Friday, July 27, 2018

10 Sikat na mga Showbiz Celebrities na Dalawang Beses Ikinasal

Isa sa mga sagradong seremonya na dumarating sa buhay ng tao ay ang pagpakakasal. Ang sagradong matrimonya na ito ay isa sa mahahalagang bagay para sa dalawang tao na nais mapagtibay ang kanilang pagsasama sa ilalim ng lehitimong batas at kinikilalang relihiyon o kultura.



Sinasabing ito raw ay naitinataguyod mula sa pagmamahalan, pagtitiwala, at pagtanggap sa kanilang kapareha. Kadalasan, ito rin ang nagsisilbing pundasyon upang magsimula ang dalawang tao para bumuo ng pamilya.

Ngunit marami pa ring mga mag-asawa ang sumusuko at kadalasan ay naghihiwalay kahit sila ay pinagbuklod na ng kasal. Mahirap maiwasan ang ganitong pangyayari lalo na kung nagkakaroon ng mga di’ pagkakaunawaan ang dalawang mag-asawa.


Ngunit hindi ito naging hadlang para sumuko sa paghahanap ng panibagong pagmamahal.

Tulad na lamang ng mga kilalang personalidad na ito na ikinasal sa pangalawang pagkakataon at nakahanap muli ng pag-ibig.

Sharon Cuneta

Ikinasal si “megastar” Sharon Cuneta sa aktor na si Gabby Conception noong Setyembre 1984. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalang KC Conception.



Noong Abril 1996, muling ikinasal si Sharon Cuneta kay Senator Francis Pangilinan.



Ogie Alcasid

Ang sikat na mang-aawit na si Ogie Alcasid ay unang ikinasal sa isang Australian beauty queen na si Michelle Van Eimeren. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Leila at Sarah. Nagkahiwalay si Ogie at Michelle noong 2007.



Muling ikinasal si Ogie Alcasid kay “Asia’s Songbird” Regine Velasquez noong 2010.




Kristine Hermosa

Ikinasal si Kristine Hermosa kay Diether Ocampo noong taong 2004 ngunit nagdesisyon ang dalawa na ipawalang bisa ang kanilang kasal noong 2009.



Muling ikinasal si Kristine Reyes sa aktor na si Oyo Boy Sotto noong 2011.



Vicki Belo

Ikinasal si Dra. Vicki Belo sa isang kilalang negosyante na si Atom Henares noong 1991. Naghiwalay ang dalawa matapos ang 11 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Quark Henares at Cristalle Bello.



Noong 2017, naikasal namang muli si Vicki Bello kay Hayden Kho at nagkaroon sila ng nagiisang anak na si Scarlet Snow Bello.




Carmina Villarroel

Ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla noong 1994. Naghiwalay ang dalawa noong 1997 matapos na ibunyag ni Rustom na siya ay bakla.



Nagpakasal muli si Carmina sa aktor na si Zoren Legaspi noong 2012 at nagkaroon ng dalawang kambal na anak na sina Maverick at Cassandra.



Vic Sotto

Ang komedyante na si “Bossing” Vic Sotto ay ikinasal sa aktress na si Dina Bonnevie noong 1988. Ngunit napawalang bisa ang kanilang kasal noong 2003.



Naikasal muli si Bossing Vic sa mas batang aktres na si Pauleen Luna noong January 30, 2016.




Robin Padilla

Naging mag-asawa ang aktor na si Robin Padilla at si Liezel Sicangco simula sa taong 1996 hanggang 2007. Nagkaroon sila ng apat na anak na sina Kylie, Queenie, Ali, at Zhen-Zhen.



Noong 2010, ikinasal muli si Robin sa aktres na si Mariel Rodriguez at nagkaroon sila ng anak na si Maria Isabella.



Vilma Santos

Ang aktres na si Vilma Santos, na kilala sa titulo niyang “Star for all Season,” ay ikinasal kay Edu Manzano noong 1980. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nagtagal lamang ng dalawang taon at naghiwalay din noong 1982. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na si Luis “Lucky” Santos Manzano na ngayon ay isang sikat na aktor at TV host.




Nagpakasal muli si Vilma Santos sa isang senador na si Ralph Recto noong 1992. Hanggang ngayon ay nagsasama pa rin silang dalawa.



Edu Manzano

Samantala, matapos ang kanilang relasyon ni Vilma Santos, nagpakasal namang muli si Edu Manzano sa aktres na si Maricel Soriano noong 1989 ngunit naghiwalay rin noong 1991.



Christopher De Leon

Ikinasal ang aktor na si Christopher De Leon at ang aktres na si Nora Aunor noong ika-25 ng Enero, 1975 sa isang sibil na seremonya. Nagkaroon sila ng anak na si Ian De Leon noong 1975 at inampon naman ang mga batang sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.




Naghiwalay ang dalawa noong 1980 at matapos ang isang taon, sumama si Christopher sa aktres na si Sandy Andolong noong 1981 at simula noong ay hindi na sila naghiwalay pa. Nagkaroon sila ng limang supling na sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.



Anong masasabi niyo sa mga kilalang personalidad na ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.

source: artistanow




Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only