Thursday, July 26, 2018

6 na Sikat na Local Celebrities na Hindi Mo Akalaing Mataba Pala Bago pa Man Sila Sumikat

Marami sa mga sikat na celebrities ay talagang hinahangaan dahil sa ganda at napakagandang hubog ng mga katawan, mapa lalaki man ito o babae.


 Ngunit alam mo bang may ilan sa mga sikat na celebrities na dating mataba at di mo aakalain na minsan namoblema din sila kung pano sila mag didiet.

Ilan sa mga naipost na picture ng mga sikat na personalidad na ito ay ang kanilang throwback pictures noong mga bata palang sila, at makikita na talagang chubby sila pero cute. Ngunit habang lumalaki di nila hinayaan na manatili na chubby ang kanilang katawan hanggang sa sumikat na sila at hinahangaan na ng karamihan.


Narito ang ilan sa mga sikat na lokal na celebrities na dating chubby ngunit ngayon isa na sa mga 'fitspiration' ng kanilang mga fans.

1. Erwan Heussaff

Hindi mo aakalain na si Erwan ay minsan na naging chubby, namoblema siya sa kanyang timbang dahil umabot ito noon ng halos 250 pounds. 


Ngunit ngayon isa na siya sa pinaka hot na celebrity na talagang iniidolo ng karamihan.



2. Solenn Heusaff

Ang kapatid ni Erwan na si Solenn ay isa din sa dumanas ng pagka chubby noong siya ay bata palang, naranasan din niyang tuksohin ng ibang tao at sinasabing isa siyang malaking balyena o ang sikat na karakter sa isang cartoon na si "Free Willy"


3. Iza Calzado

Si Iza Calzado ay minsan naring tumaba at umabot ng halos 220 pounds ang kanyang timbang dahilan upang siya ay madalas tuksuhin ng kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil sa madalas na panunukso nagdesisyon na siyang mag dieta na naging resulta sa kanyang pag ka superfit ngayon.


4. Raymond Gutierrez

Isa sa kambal ng Gutierrez Family si Raymond at masasabing hindi mahirap na kilalanin kung sino nga ba sakanila si Richard at si Raymond dahil sa magkaiba ito ng pangagatawan. 


Si Richard ay talaga nga namang napaka fit simula bata pa lang siya samantalang si Raymond naman ay tumaba ngunit dahil sa kanyang dedikasyon at kagustuhang pumayat halos naghahabulan na ang dalawa ngayon sa pagiging fit ng pangangatawan.


5. Rhian Ramos 

Isa sa kilala ngayon sa showbiz industry sa pinaka sexy na aktress dahil sa napaka gandang hubog ng katawan nito. Ngunit aminado si Rhian na minsan narin siyang naging mataba dahil sa walang tigil na pagkain. Nagdesisyon siyang mag diet noong tumungtung siya sa edad na 13.


6. Georgina Wilson

Sinong magaakala na ang isang Georgina Wilson na ubod ng seksi ay minsan naring naging mataba? Ayon kay Georgina na ang sikreto sa pagpapayat ay: "You have to work hard. There is no shortcut, eat healthy food, and work out a lot".



Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: kami



Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only