Thursday, July 26, 2018

Depressed na Lalaki, Nauwi sa Pagkasira ang Muka Matapos ang Isang Bigo na Pagpapatiwakal. Ngunit Matapos ang 10 Taon Sumailalim siya sa Isang Transplant na Naging Dahilan Para Magbago ang Kanyang Buhay.

Nasira ang mukha ng lalaking ito dahil sa malagim na trahedya. 10-taon na ang nakalipas, sumailalim siya sa transplant na nagbago sa kanyang buhay.



Karamihan sa mga mapupusok na gawain ng mga kabataan ang siyang madalas na nagdudulot ng trahedya at kapahamakan sa kanila.

Ang mga problemang nagdudulot ng sobrang kawalan nila ng pag-asa sa kanilang buhay, pati na rin ang pagkakawala nila sa katinuan, ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nakakagawa sila ng mga bagay na maaaring pagsisihan nila bandang huli.


Katulad na lamang ng lalaking ito na nalugmok ang sarili at tinangkang agawin ang sarili niyang buhay. Ngunit nabago ang lahat ng ito nang makabawi siya sa tulong ng medisina.



Matapos ang sampung taong pagsusumikap sa kanyang buhay na nasayang, Nakabawing muli si Andy Sandness mula sa madilim na nakaraan.

Nagkaroon ng matinding depresyon si Andy noong kabataan niya at naging mahirap ito para sa kanya. Lumaki si Andy sa isang maliit na bayan sa Newcastle, Wyoming. Dahil sa mga masasama niyang karanasan at matinding pagkabigo, tinangka niyang tapusin ang kanyang buhay ngunit hindi siya nagtagumpay. Nag-iwan ito ng malagim na marka sa kanyang mukha dahilan upang mahirapan siya makabalik sa kanyang normal na buhay.



Buti na lamang ay naging masuwerte pa rin si Andy dahil sumailalim siya sa matagumpay na operasyon sa mukha. Masaya ang mga naging doktor ni Andy sa Mayo’s Clinic dahil nabigyan nila si Andy ng pag-asa na mamuhay ng normal dahil sa bago niyang mukha.


Naalala ni Andy sa insidenteng iyon at sinabi sa kanyang pahayag na: [I just remember putting one in the chamber and looking down the barrel of the gun and I said ‘ah, #$@! it’ and pulled the trigger]

Dagdag pa ni Andy na: [I was going through some rough times, ya know, I mean I made the wrong choices]



Masuwerte si Andy dahil nagawa pa niyang mabuhay mula sa malubhang tama na kanyang natamo. Isinugod agad si Andy sa pinakamalapit na ospital matapos ang malagim na insidente na kinasankutan niya.

Nasira ang halos buong parte ng kanyang mukha kasama ang kanyang panga, ngipin, baba, at pati na rin ang kanyang ilong. Ang nakakalungkot pa dito ay hindi ito naatim ng kanyang ama. Malinaw sa kanyang alaala ang mga pangyayaring iyon na para bang ang lahat ng iyon ay kahapon lamang nangyari.

Sinaad ni Reed Sandness na: [The only thing I got to see was him coming out of the emergency room with his head, with gauze wrapped around, with a straw coming out to breathe in.]

Natanggal ang halos kalahating parte ng kanyang muka. Buti na lamang ay nakakahinga pa siya at nakakapagsalita ng normal.



Kahit na maraming mga tao ang nangungutya sa kanya at sa mga hirap na dinanas niya sa buhay, nagawa niya pa rin na matanggap ang kanyang mga kinahinatnan. Hindi sila nawalan ng pag-asa at sa huli ay nagawa parin nilang maghintay upang maayos kahit papaano ang muka ni Andy ang manumbalik ang kanyang normal na pamumuhay pati narin maibalik ang kanyang kumpiyansa sa buhay.


Nagawa pa rin ni Andy na maging masaya dahil sa kanyang panibagong buhay. Ngunit hindi pa rin maalis ang hinanakit niya tungkol sa maling desisyon na kanyang nagawa noon at nagiging desperado siya sa bawat araw na lumilipas. Nalulungkot din siya sa tuwing makikita ang kanyang sarili pati na rin ang artipisyal na ilong na kanyang isinusuot lalo na kung ito ay natatanggal.



Buti na lamang ay nakatanggap siya ng mabuting balita mula sa Mayo Clinic sa Rochester, Minnesota. Nagbunga ang matagal nilang paghihintay at nakumpirma sa mga doktor na maaari siyang sumailalim sa operasyon para maiayos ang kanyang itsura.

Kinailangan lamang nila ng donor ng mukha para sa opeasyon na iyon.

Noong 2016, nakatanggap sila ng balita sa maaaring magbigay ng donor ng mukha na nagngangalang Calen Ross na makapagbibigay kay Andy ng panibagong buhay. Isang grupo ng mga doktor at nars na may 60 miyembro ang nagtulong-tulong para sa operasyon na inabot ng 56 na oras. Buti na lamang ay naging maayos ang transplant surgery ng walang ano mang kumplikasyon.



“Everybody went into this totally knowing their role, knowing what to expect. Every step has been thought out 1,000 times.”



Isang taon matapos ang operasyon sa kanyang mukha at sunod-sunod na pagsusuri, ito ang kinahinatnan ng kanyang mukha ngayon:



Hindi na halos matukoy ang kanyang nadispigurang mukha at masasabing napakaganda ng pagkakaayos ng mga doktor sa kanyang mukha. Ang peklat na lamang sa kayang mga mata ang naiwang marka mula sa insidente.

Hindi maipahayag ni Andy ang sayang nadarama niya mula sa operasyon at sa mga doktor na ginawa ang kanilang makakaya para kay Andy. Isinulat na lamang ni Andy sa isang maliit na papel ang kanyang nadarama. Sinabi niya na: [Far exceeded my expectations.]



Hindi makapaniwala si Andy sa kanyang bagong mukha. Sa tulong ni Helga Smar, isang physical therapist, sinusubukan nilang maiayos at maibalik ang lakas ni Andy.

Marami pang kailangang gawin kaya naman parati siyang sinusuri ng mga doktor sa Mayo Clinic. Makikita rin ba napakaganda ng paggaling at pagbawi ng lakas bi Andy.

Hindi na rin nakakaramdam ng matinding lungkot si Andy lolo na nang may makasabay siyang bata sa isang elevator at hindi siya pinansin.

Sinaad ni Andy na: [I knew then, that the surgery was a success.]




Muli niyang naibalik ang kumpiyansa niya sa sarili at nabawi niya na ang dati niyang buhay. Malugod na rin siyang nakakapag-usap sa ibang tao nang hindi ito nanglilit sa sarili.

Tingnan ang kabuuan ng istorya ni Andy mula sa kanyang video sa Mayo Clinic:

Aning masasabi ninyo sa muling pagbangon ni Andy sa masalimuot niyang nakaraan? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.




Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only