Friday, July 27, 2018

Isang Environment Journalist, Natagpuan nga ba ang Labi ng Tinaguriang "Notorious Slave Ship" ang Huling Barko na Nagdala ng mga Alipin sa United States of America?

Kung iisipin ng iba, malamang ang mga lumang kahoy na ito ay basura lamang na nakakalat sa paligid.



Ngunit para sa isang taong naghahanap ng isang barko mula sa ika-19 na siglo, isa itong matagumpay na pagkakadiskubre.




Ito na marahil ang araw na kung saan ay natuklasan na nila ang napakatanyag na barkong Clotilda.



Si Ben Raines ay isang periyodista na naglalathala ng mga istorya tungkol sa pangkalikasan. Inilalathala niya ito sa isang website tungkol sa mga pangunahing balita sa Alabama.



Ang mga paksa na kanyang inilalathala sa kanyang trabaho ay limitado lamang sa mga hayop at mga halamang bulaklak na matatagpuan sa Alabama.




Bukod sa kanyang trabaho bilang periyodista, siya rin ay nagtatrabaho bilang isang kapitan ng mga bangka kaya naman madali na lang para sa kanya ang proyektong ibinahagi sa kanya ng isang lalaki tungkol sa kakaiba at masalimuot na kwento ng barkong Clotilda.

Noong ika-19 na siglo, isang mayaman na tagapangasiwa ng mga lupain na nagngangalang Timothy Meaher ang tumanggap sa isang hamon na pustahan mula sa kanyang mga kaibigan.



Pumayag siya sa usapan nilang pagpupuslit ng mga alipin mula sa Africa papunta sa kanilang bansa ng hindi nahuhuli. Kinailangan niya lamang na gawin ito sa loob ng 2 taon para hindi siya matalo.



Kaya naman binili ni Meaher ang barkong Clotilda mula sa isang kapitan nasi William Foster. Nagplano silang maigi kung paano nila mailulusot ang mga alipin ng hindi nahuhuli ng mga opisyales ng pederal ng bansa.



Binigyan ni Meaher ang kapitan ng barko ng Clotilda ng mga gintong pilak na nagkakahalaga ng USD 260,000 (PHP 14M) para bilhin ang mga aliping ito. Ang orihinal nilang plano ay tumigil sa Point Aux Pins para ibaba ang mga alipin sa daungang iyon.



Ngunit nalaman ni Meaher na may nakapagbigay-alam sa mga awtoridad ng kanilang ilegal na plano. Natakot si Meaher at Foster dahil maaari silang makulong o masawi sa ilegal na gawaing iyon kaya naman sinunog nila ang barko para mawala ang mga ebidensya ng kanilang aktibidad.


Nakita na lamang sa talaarawan ni Foster ang istoryang naganap sa insidenteng iyon. Nakasaad dito na: “Dinala ko ang Clotilda sa Mobile Bay hanggang sa 12 Mile Island upang ilipat ang mga alipin sa Czar, isang maliit na bapor na pang-ilog, at doon ko sinunog ang Clotilda hanggang sa ito’y lumubog ng 20 talampakan pailalim sa tubig.”

[I towed the Clotilda into Mobile Bay and up to 12 Mile Island and transferred the [captives] to a river steamboat, the Czar, and then I burned [the Clotilda] and sunk her in 20 feet of water.]



Anong masasabi niyo sa kwento ni Ben Raines at sa pagkakadiskubre niya mula sa mga kahoy na natupok ng apoy? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.
source: thegoodfeed



Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only