Friday, July 27, 2018

Napansin ng Isang Lalaki na Sinusundan siya ng Asong ito, Akala niya ay Gusto lang Huminge ng Pagkain, Pero ng Bigyan niya ng Pagkain ay Tinanggihan lang ito, Di Nagtagal Nalaman niya ang Totoong Dahilan kung Bakit nga ba ito Sumusunod sakanya

Kung kayo ba ay makakakita ng isang askal na aso na nakatitig sa inyo na tila may gustong iparating susundan niyo ba ito at aalamin kung ano ang gusto nitong sabihin?



Isa sa mga naging matunog sa social media ay ang istorya na ibinahagi ng isang South Korean na lalaki patungkol sa isang aso na nakasalubong niya sa daan.

Noong araw na iyon habang naglalakad ang lalaki papunta sa isang food park para kumain ng tanghalian napansin niya ang isang askal na aso na sumusunod sakanya.


Akala niya noong una na nagugutom lang ito at gusto lang huminge ng pagkain, kaya ng makabili ang lalaki ng pagkain, binigyan nya din ang asong patuloy na sumusunod sakanya para tumigil na ito sa pagsunod.

Pero laking gulat ng lalaki ng ayaw kainin ng aso ang ibinigay niyang pagkain kaya napaisip ito kung ano ba talaga ang problema ng asong ito.



Kaya napaisip siya na baka may gustong iparating ang asong ito kaya nagmasid masid siya sa paligid habang nakatitig sakanya ang aso hangang biglang may narinig siyang isang tinig na umiiyak hindi lang kalayuan sa kanyang kinatatayuan.


Dahan dahan siyang lumapit kung saan nangagaling ang tunog at ng natuntun nya na ang tunog laking gulat niya nang makita niya ang isang maliit na tuta na nasa kanal at hindi makaalis dahil ito ay malalim.



Doon niya na napagtanto na kaya pala siya sinusundan ng aso noong una ay hindi para huminge ng pagkain, kundi para huminge ng tulong para sagipin ang anak nito na nahulog sa kanal.



Ang nasabing kanal ay madumi at mabaho, pero kahit ganoon ang sitwasyon bumaba pa din ang lalaki sa butas para sagipin ang kawawang tuta sa pagkakahulog.


Nang maiahon ng lalaki ang kawawang tuta, hindi naman maitago ng ina nito ang tuwa kaya agad agad itong lumapit at inamoy amoy ang kanyang anak habang paikot ikot at tila sinisigurado na hindi nasaktan ang kanyang anak.



Napansin din ng lalaki na ang tuta ay nanghihina na marahil dahil narin sa gutom dahil sa tagal nito na pagkakahulog sa butas. Kaya naman binigay ng lalaki ang kanyang tanghalian sa aso at sa anak nito.



Matapos maubos ng dalawa ang binigay na pagkain, napansin ng lalaki na mukang gutom parin ang dalawa kaya naman binilhan niya pa ito ng seaweed rice rolls at Kimchi.



Napansin din ng lalaki na ang malaking aso ay may suot na dog collar kaya naman hindi niya ito inuwi dahil alam niyang babalik ito sa tunay na mayari.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only